Top 3 Municipal Most Wanted Person, arestado sa kasong Acts of Lasciviousness

0
833

Arestado ang isang Top 3 Municipal Most Wanted Person na may kasong Acts of Lasciviousness sa ikinasang Warrant of Arrest operation ng mga awtoridad dakong alas-4:15 ng hapon noong Agosto 6, 2025 sa Barangay Burgos, Mangatarem, Pangasinan.

Kinilala ni Police Major Arturo C. Melchor JR., Officer-In-Charge ng Mangatarem Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Kuya Tabaz”, 30 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ng Barangay CBN, Mangatarem, Pangasinan.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php200,000.

Samantala, patuloy ang maigting na operasyon ng kapulisan laban sa mga wanted person sa kanilang hurisdiksyon, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Source: Mangatarem MPS

Panulat ni PMSg Marvin Jake E Romero