Wanted Person sa paglabag sa RA 9262, arestado ng Northern Samar PNP

0
975

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa Barangay San Antonio, Mondragon, Northern Samar nito lamang Agosto 6, 2025.

Kinilala ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang suspek na si alyas “Eso”, 35 anyos, magsasaka at residente ng Barangay San Antonio, Mondragon, Northern Samar.

Bandang 9:35 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Mondragon Municipal Police Station at 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 5 (A) ng Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” na may inirekomendang piyansa na Php72,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Ang Pambansang Pulisya ay masigasig sa pagtupad ng kanilang tungkulin na panagutin ang mga lumalabag sa batas, upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at seguridad ng mamamayan tungo sa isang ligtas, maunlad, at disiplinadong Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian