Top 8 Provincial Most Wanted Person sa kasong Panggagahasa, arestado sa Gonzaga, Cagayan

0
665

Arestado ang Top 8 Provincial Most Wanted Person sa kasong panggagahasa, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Gonzaga, Cagayan nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.

Kinilala ni Police Major Ricson I Cabauatan, Chief of Police ng Gonzaga Police Station, ang suspek na si alyas “Alex,” 18 taong gulang at residente ng nasabing bayan.

Ayon kay PMaj Cabauatan, si Alex ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa, na pawang walang inirerekomendang piyansa.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng Gonzaga Police Station sa pakikipagtulungan ng Cagayan Provincial Intelligence Unit, 4th Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Regional Maritime Unit 2, at 203rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2.

Ayon kay Police Colonel Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, “Ang katarungan ay hindi natutulog. Ang batas ay ipinatutupad para sa proteksyon ng ating mga mamamayan, lalo na ang kabataan. Hindi tayo titigil hangga’t may mga nagtatago sa likod ng kasalanan.”

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted persons sa lalawigan bilang bahagi ng pangakong panatilihing ligtas ang bawat komunidad at masiguro ang hustisya para sa mga biktima ng karahasan.

Source: Gonzaga PS