Nagtala ang Police Regional Office 10 ng average response time na 3.82 minuto sa mga tawag sa Emergency 911 (E-911) mula Hulyo 1 hanggang 29, 2025.
Batay sa datos, umabot sa 67 emergency calls ang natanggap mula sa iba’t ibang bahagi ng Northern Mindanao, kung saan 93.85% sa mga ito ay narespondehan sa loob lamang ng limang minuto.
Pinakamabilis tumugon ang Misamis Occidental Police Provincial Office na may average response time na 1.5 minuto, sinundan ng Iligan City Police Office (2.80 minuto) at Camiguin Police Provincial Office (3.33 minuto).
Pinakamaraming tawag naman ang natanggap ng Bukidnon Police Provincial Office (37%), kasunod ang Cagayan de Oro City Police Office (25%) at Iligan City Police Office (13%).
Kadalasang ulat ay may kaugnayan sa road crashes, domestic troubles, at alarm and scandal.
Ilan sa mga kaso ay agad naaksyunan gaya ng mabilis na pag-aresto sa mga kasong pananakit at domestic issues.
Ayon kay Police Brigadier General Rolindo M Suguilon, Regional Director ng Police Regional Office 10, “Isang tawag lang ang katumbas ng tulong. Sama-sama nating ginagawa ang komunidad na mas ligtas,”
Panulat ni Patrolwoman Rizza C Sajonia



