Hagonoy PNP, inilunsad ang “Oplan Saclolo”

0
879

Inilunsad ang “Oplan Saclolo” ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station upang matiyak ang maayos at ligtas na pamamahagi ng Family Food Packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay San Pedro, Hagonoy, Bulacan nito lamang Sabado, ika-26 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Aldrin O Thompson, Hepe ng Hagonoy MPS, kasama ang Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor Ma. Rosario R. Sy-Alvarado Mendoza at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nakipagtulungan at tiniyak ng mga tauhan ng Hagonoy MPS ang katahimikan, kaayusan, at kaligtasan sa buong aktibidad upang maging maayos ang daloy ng pamamahagi at masiguro na ang lahat ng benepisyaryo ay maayos na matutulungan.

Sa pamamagitan ng OPLAN SACLOLO, ipinapakita ng Hagonoy PNP, ang kanilang matibay na paninindigan bilang katuwang ng komunidad sa pagbangon at pagharap sa anumang pagsubok.

Patuloy ding nakatuon ang Hagonoy PNP sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit at dedikasyon para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Panulat ni: Pat Mildred A Tawagon