Bilang tugon sa matinding pagbaha na idinulot ng Southwest Monsoon at mga Tropical Storm na sina “Dante” at “Emong,” nagsagawa ng Relief Operations ang mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni Police Brigadier General Roel Cuevas Rodolfo, Regional Director, para sa mga pamilyang apektado mula sa Alangan Tribe ng komunidad ng Mangyan noong ika-27 ng Hulyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Sitio Sungi, Barangay Tagumpay, Baco, Oriental Mindoro, kung saan nagsagawa ng feeding program at pamamahagi ng food packs ang mga tauhan ng RCADD, RMFB MIMAROPA, at iba pang sangay ng PNP.
Pinangunahan ito nina PCol Hordan T. Pacatiw, Chief, Regional Staff; PCol Simeon L. Gane Jr., Chief, RCADD; PCol Ali Jose A. Duterte, Chief, RIDMD; PLtCol Edwin F. Gutang, OIC, RMFB MIMAROPA; PMaj Jemuel J. Mamolang, Chief, CAS, RMFB MIMAROPA; PMaj Michael P. Rivera, COP; Baco MPS, OrMin PPO; at PCpt Mark Joseph D. Peñaverde, OIC, 404th B MC, RMFB.
Layunin ng relief operations na palakasin ang ugnayan ng pulisya at ng komunidad sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa oras ng pangangailangan. Ayon sa pamunuan ng PRO MIMAROPA, ang ganitong aktibidad ay hindi lamang pagbibigay ng tulong kundi isa ring hakbang upang mapalalim ang tiwala at suporta ng mamamayan sa PNP bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga miyembro ng Alangan Tribe sa ipinakitang malasakit ng kapulisan. Patuloy ang panawagan ng PNP MIMAROPA sa publiko na makiisa at magtulungan upang mas mapatatag ang samahan at pagtutulungan ng komunidad at ng kapulisan.
Source: RMFB MIMAROPA
Panulat ni Patrolwoman Desiree Padilla



