NCRPO, nagsagawa ng inspeksyon bilang paghahanda sa SONA 2025

0
1596

Masusing nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region sa pangunguna ni Police Brigadier General Javier Manuel Abrugena, Deputy Regional Director for Operations, NCRPO, kasama si Police Colonel Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng Quezon City Police District sa mga nakadeploy na personnel sa ilang bahagi ng Quezon City upang tiyakin ang kahandaan ng kapulisan para sa SONA 2025 nito lamang madaling araw.

Kabilang sa kanilang dinaanan ang mga nakatalagang personnel sa STU St. Peter Parish, STU Katuparan, at STU HOR North Gate simula alas-5:20 ng umaga ngayong araw, July 28, 2025.

Layunin ng inspeksyon na siguruhin ang kahandaan, disiplina, at maayos na koordinasyon ng mga kapulisan at ibang agencies sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan ng SONA 2025, alinsunod sa direktiba ni Police General Nicolas D Torre III, Chief, Philippine National Police, na palakasin ang security preparations sa buong Kamaynilaan.

Samantala, nauna ng magdeploy ang QCPD ng mga tauhan nito sa iba’t ibang sulok ng Quezon City. Kasama rin sa naturang deployment ang mga augmentation forces mula sa National Headquarters (NHQ), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), iba’t ibang distrito, yunit at iba pang mga ahensya bandang alas 3 ng madaling araw kanina.

Tiniyak naman ng NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, na handa ang Pambansang Pulisya sa anumang sitwasyon ngayong araw ng SONA partikular na sa pagtiyak ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa buong Metro Manila.