Lamitan, Basilan – Nagsagawa ng feeding program ang pulisya ng Basilan Police Provincial Office sa mga constituents/evacuees ng Brgy. Malinis, Lamitan, Basilan na inabot ng flash flood noong Marso 9, 2022 dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) nito lamang Huwebes, Marso 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Pedro Martirez, Jr., Acting Provincial Director kasama ang Policewomen at Female NUP ng Basilan PPO.
Ayon kay Police Colonel Martirez Jr., maliban sa feeding program ay nakapagsagawa rin ng dayalogo sa mga evacuees na lumikas mula sa kani-kanilang bahay at kasalukuyang lumipat sa covered court ng Brgy. Malinis.
Ayon pa kay Police Colonel Martirez Jr. ang nasabing aktibidad ay naaayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang: “We Make Change Work for Women” at Campaign Slogan: “Agenda ng Kababaihan tungo sa kaunlaran”.
Isang patunay na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay palaging handa sa pagtulong, paglilingkod at pagprotekta sa komunidad mula sa anumang anyo ng pang-aabuso, karahasan, at kalamidad.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz III