Cebu City – Nasamsam ang 1.4 milyong pisong halaga ng shabu sa naarestong suspek sa buy-bust operation ng pulisya ng Cebu City nito lamang Martes, Marso 1, 2022.
Kinilala ni PNP Chief, Police General Dionardo B. Carlos ang suspek na si Mario Alterado Tabanas Jr. alyas “Mar”, 32, residente ng 5F Pacaña Street, Barangay Tisa, Cebu City.
Ayon kay PGen Carlos, si Tabanas ay nahuli bandang 7:15 ng gabi sa Brgy. Tisa, Cebu City ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7.
Nakumpiska kay Tabanas ang 32 medium heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may tinatayang timbang na 211 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php1,430,800.00 at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Naging matagumpay ang ating agresibo at epektibong kampanya laban sa banta ng droga sa bansa sa buong suporta at kooperasyon ng ating mga katuwang na ahensyang nagpapatupad ng batas at ng komunidad na malakas na kaalyado ng PNP sa laban na ito sa ilegal na droga”, pahayag ni PGen Carlos.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan