Wednesday, April 30, 2025

Top 10 Regional Most Wanted Person at kasama nito, tiklo sa kasong Murder; baril at bala, narekober

Tiklo ang tinaguriang Top 10 Regional Most Wanted Person at isa pang indibidwal sa ikinasang Oplan Pagtugis at Oplan Panlalansag Omega sa Barangay Mapantao, Bayang, Lanao del Sur noong Abril 27, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arbel Mercullo, Acting Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group – Regional Field Unit Bangsamoro Autonomous Region, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ansari,” 30 taong gulang, Top 10 Regional Most Wanted Person para sa kasong Murder, at alyas “Ampa,” na sugatan sa operasyon, pawang residente ng nasabing barangay.

Matagumpay na naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Lanao del Sur Provincial Field Unit, RIU 15, RMFB 1402nd, RMFB 1403rd, at PSOG Lanao del Sur Provincial Police Office, sa pakikipagtulungan ng Lanao del Sur PPO.

Habang isinasagawa ang operasyon, naka-engkuwentro ng operating units ang humigit-kumulang 15 armadong kalalakihan, na nagresulta sa sagupaan at sugatan si Patrolman Mascara Bae Monadi Jr.

Sa isinagawang clearing operation, nakumpiska mula kay alyas “Ampa” ang isang yunit ng Caliber 7.62 mm M14 rifle, isang steel magazine para sa M14 rifle, at pitong bala ng Caliber 7.62 mm.

Kasalukuyan namang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban kay alyas “Ampa” at sa mga nakatakas na kasamahan para sa mga paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, Omnibus Election Code at Direct Assault.

Ang matagumpay na operasyon na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PRO BAR PNP laban sa kriminalidad upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon, lalo na ngayong nalalapit ang 2025 National and Local Elections. Pinapaalalahanan ng kapulisan ang publiko na makiisa sa mga awtoridad sa pagsusulong ng ligtas, mapayapa, at maayos na komunidad sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad at mga indibidwal na may paglabag sa batas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles