Umarangkada ang Drug Awareness Lecture ng mga tauhan ng Moncada Municipal Police Station para sa mga estudyante na kabilang sa Work Immersion Program ng San Pedro High School sa Barangay San Pedro, Moncada, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-13 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Santi Frey DC Lorenzo, Acting Chief of Police ng Moncada Municipal Police Station.
Tinalakay sa mga mag-aaral ang patungkol sa Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) in relation to Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” / Drug Awareness.
Layunin nitong ipabatid sa mga estudyante ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen at droga.
Hinikayat din na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas na pamumuhay.
Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay