Arestado ng mga operatiba ng Mountain Province PNP ang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong paglabag sa Section 12 ng Article 2 ng Republic Act 9165 sa Barangay Abatan, Bauko, Mountain Province nito lamang Pebrero 5, 2025.
Ayon kay Police Colonel Ferdinand N Oydoc, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Bauko Municipal Police Station katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group Mountain Province, Mountain Province Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Regional Intelligence Unit 14, Philippine Drug Enforcement Agency Mountain Province at 1502nd Maneuver Company.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na may inirekomendang piyansa na Php100,000.
Ang matagumpay na pag-aresto ng mga may sala sa batas ay patunay sa pagpapaigting ng Pambansang Pulisya sa sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon tungo sa isang Bagong Pilipinas.