Narekober sa isinagawang Anti-Drug Operation ng Makati City Police Station ang tinatayang Php102,000 halaga ng shabu mula sa apat na babaeng suspek na sangkot sa iligal na aktibidad sa kahabaan ng Gomez St., Barangay Tejeros, Makati City nito lamang Martes, Pebrero 4, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Rula,” 30; alyas “Tisay,” 25; alyas “Cheche,” 33; at alyas “Donna,” 31.
Nabatid na nakabili ang isang undercover officer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa pangunahing suspek na si alyas “Rula” at narekober ang 14 na karagdagang heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na 15 gramo at tinatayang may street value na Php102,000, Php500 bill bilang buy-bust money, isang sunglasses, at isang cellular phone na ginamit sa transaksyon.
Reklamo para sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang isinampa laban sa mga suspek.
Nananatiling matatag ang Southern Metro Cops sa misyon nito na labanan ang mga ilegal na droga at tinitiyak ang mas ligtas na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos