Arestado ang isang indibidwal matapos mahulihan ng baril at droga sa ikinasang buy-bust operation ng Guindulman PNP sa Barangay Guinacot, Guindulman, Bohol noong Enero 18, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Exelsis Baring Belciña, Chief of Police ng Guindulman Police Station, ang suspek na si alyas “Wel”, 25 anyos, residente ng Barangay Catungawan Sur, Guindulman, Bohol.
Bandang 7:30 ng gabi ng ikinasa ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng nasa 0.12 gramo na shabu na may Standard Drug Price na Php816, isang unit ng caliber .38 revolver, dalawang bala, buy-bust money, at isang Rusi na motor.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, RA 10591 o “Illegal Possession of Firearms and Ammunition)” gayundin sa COMELEC Gun Ban na kasalukuyang umiiral.
Ang matagumpay na operasyon ng mga kapulisan ng Guindulman ay patunay lamang ng kanilang dedikasyon upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad para sa isang Bagong Pilipinas.