Lumahok ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), sa Bloodletting Program na may temang “Dugtong Buhay Movement” nito lamang Huwebes, Nobyembre 14, 2024 na ginanap sa iAcademy Nexus, 7434 Yakal Street, Makati City.
Idinaos ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna ni Kalihim Amenah F. Pangandaman, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, at Philippine TV 4.
Itinampok sa kaganapan ang sama-samang dedikasyon ng mga organisasyong ito sa pagbibigay ng dugong makakapagsalba ng buhay ng ating mga kababayan na nangangailangan at may malubhang karamdaman.
Ang NCRPO ay nakiisa sa pangunguna ni Police Colonel Angel L Garcillano, Chief RCADD, at ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District.
Ang mga pangunahing kasosyo ay aktibong lumahok, kabilang si Doctor Vanesa L. Tanco, Chairman at Chief Executive Officer ng iAcademy, at Commodore Teotimo Borja Jr., Commander ng Coast Guard Civil Relations Service.
Nag-ambag sa tagumpay ng kaganapan ang mga tauhan mula sa ilang mga yunit, tulad ng Regional Community Affairs and Development Division, Regional Headquarters Support Unit, Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO, at iba’t ibang distrito.
Ang kaganapan ay nagtapos sa isang kahanga-hangang 120,150 cubic centimeters (cc) ng dugo na nakolekta mula sa 227 donor, isang mapagkukunan na magbibigay ng kritikal na suporta para sa mga pasyente na nakikipaglaban sa malubhang kondisyon na may misyong mailigtas ang mamamayang Pilipino.
Source: PIO NCRPO