Bilang bahagi ng kanilang misyon na protektahan ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan, siniguro ng kapulisan ng Santa Praxedes Police Station na maayos at ligtas ang mga evacuation centers na magagamit ng mga residente sa panahon ng sakuna sa Bayan ng Santa Praxedes, Cagayan ngayong araw, ika-7 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Major Erwin T Ladia, hepe ng nasabing himpilan kasama ang kapulisan mula Regional Mobile Force Battalion Portabaga Patrol Base, katuwang ang mga Rescue Team mula sa Bayan ng Santa Praxedes sa pangunguna ni Hon. Esterlina Aguinaldo, Municipal Mayor.
Nagsagawa ng pagmo-monitor sa mga itinayong evacuation centers sa bawat barangay kaugnay ng paghahanda sa pananalasa ng bagyong Marce.
Pinapasalamatan ng komunidad ang mabilis na aksyon ang kanilang pakikiisa at suporta ay nagpapakita ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan upang malampasan ang anumang hamon na dala ng kalikasan, lalo na sa panahon ng kalamidad.
Samantala siniguro ng kapulisan na maayos at ligtas ang mga evacuation centers na magagamit ng mga residente sa panahon ng sakuna. Ang kanilang pag-iikot ay naglalayong masuri ang mga pasilidad at magbigay ng agarang tugon sa mga posibleng kakulangan sa mga lugar ng evacuation.
Source: Santa Praxedes PS
Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa