Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Qualified Theft (38 counts) sa isinagawang joint law enforcement operation ng 1st Zamboanga City Mobile Force Company, Philippine Air Force, Novaliches Quezon City SIDMU- Warrant Section, 1st Special Operation Unit ng PNP-Maritime Group at Zamboanga City Police Station 4 sa Sta. Barbara, Zamboanga City nito lamang ika-30 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Kimberly E Molitas, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Marilou”, 43 anyos, babae, at residente ng No. 717 Protacio Compound San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Theft (38 counts) na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php1,174,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrol Joyce Franco