Pinabulaanan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos ang balitang sumuko sa mga kapulisan at sundalo ang wanted na si Apollo Quiboloy.
Sa isang pulong pambalitaan nitong Setyembre 9, 2024 ay sinabi ng pangulo na ang pagkakadakip ni Quiboloy ay bunga ng pagpupursigi ng kapulisan.
“It was police action that brought Apollo Quiboloy to the arms of the law,” mariin na sambit ng pangulo.
“Hindi siya lilitaw kung hindi namin hinabol nang husto.”
“Ang pagkakaintindi ko, ang [pag]surrender, kung wanted ka, pupunta ka sa police station…sasabihin ‘nagsusurrender na ako’; hindi ganyan ang nangyari…napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang pulis sa kanya.”
Ang kumpirmasyon ay inilabas matapos sabihin ng kampo ni Quiboloy na kusa siyang sumuko sa mga otoridad.
Sa kabilang dako naman ay pinuri at pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang kapulisan, sundalo at mga sibilyan na kawani ng gobyerno na tumulong sa operasyon.
“I have to commend our PNP. This is police work at its best; this is what the PNP can do.”