Nagsagawa ng isang Symposium on Mental Well-Being in the Workplace ang Police Regional Office 10 na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Camp Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nitong ika-12 ng Agosto 2024.

Sa nasabing symposium ay aktibong nilahukan nila Police Colonel Danilo A Bacas, Acting Deputy Regional Director for Administration kasama sina Pastor Mr. Henry Monegas Manuncia; Mrs Lisa Manuncia; mga Chief Clerks mula sa mga divisions sa PRO 10; Hepe ng Woman and Children Protection Desk 10 at mga imbestigador mula sa Cagayan de Oro City Police Office.
Dito ay tinalakay ang kaalaman sa bawat mga indibidwal, sosyal, mental health, pag-buo ng matatag na pag-iisip at magbuo ng isang grupo na nagsusuporta sa bawat isa sa loob ng isang workplace o opisina.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng pansin ang bawat isa ang kanilang Mental Well-Being sa isang Workplace o Opisina upang mas maging produktibo at epektibong pagganap ng sinumpaang tungkulin para sa mamamayan.