Tinatayang Php5.7 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office nito lamang Biyernes, Agosto 9, 2024.
Ayon kay Police Major General Jose Melencio C Nartatez Jr., Regional Director ng NCRPO, ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng Meisic Police Station, Manila Police District na humantong sa pagkakarekober ng humigit-kumulang 700 gramo ng hinihinalang shabu sa kahabaan ng Rizal Avenue, Barangay 304 Zone 29, District III, Sta. Cruz, Maynila.
Nag-ugat ang operasyon sa intelligence gathering at coordination na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Anday”, lalaki, 51 anyos.
Narekober mula sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets at dalawang piraso ng knot-tied transparent plastic ice bag na pawang naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang bigat na 700 gramo at may Standard Drug Price na nagkakahalaga ng Php4,760,000.

Samantala, kinilala rin ni PMGen Nartatez, ang mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit, NCRPO sa pakikipag-ugnayan sa District Drug Enforcement Unit, NPD at Station Drug Enforcement Unit, Navotas City Police Station na naging dahilan naman ng pagkahuli sa isang drug suspect at pagkarekober ng Php1,020,000 halaga ng shabu.
Naganap ang operasyon dakong 4:45 ng hapon sa kahabaan ng C3 Road sa harap ng Unioil Gas Station, NBBS, Navotas City. Ang suspek ay kinilala na si alyas “Kosa”, nahuli sa aktong pagbebenta ng mga ilegal na droga sa isa sa mga police poseur buyer sa isinagawang buy-bust operation.
Nakuha mula sa kanyang possession ang isang pirasong brown paper bag na naglalaman ng anim na pirasong medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang bigat na 150 gramo na may Standard Drug Price na Php1,020,000.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
“Ang makabuluhang tagumpay na ito ay nagpapadala ng malinaw at matunog na mensahe sa lahat ng sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga: Kami ay walang humpay sa aming mga pagsisikap na protektahan ang aming mga komunidad. Sa bawat operasyon, tayo ay isang hakbang na palapit sa isang lipunang walang droga, at patuloy nating hahabulin ang katarungan nang may hindi matitinag na pagpapasya,” dagdag ni RD Nartatez.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos