Timbog ang isang aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard matapos maaresto ng mga otoridad sa Southern District Mindanao, Makar Wraft, Barangay Labangal, General Santos City nito lamang Agosto 7, 2024.
Kinilala ni Police Major Ari Noel Cardos, Station Commander ng General Santos City Police Station 3, ang nahuling suspek na si alyas “Zee”, 30 anyos, may asawa, isang miyembro ng Philippine Coast Guard at residente ng Blk 2 Lot 48 Agan Greenville, Barangay Baluan, General Santos City.
Bandang 12:07 ng tanghali naaresto ang suspek sa pinagsanib pwersa ng General Santos City Police Station 3, RMFB 12 Intelligence Section RID-12 Tracker Team Bravo at RMFB 1201st MC RMFB 12 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong rape na walang piyansa.
Ang PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga iba’t ibang krimen sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan para sa isang bagong Pilipinas.