Timbog ang isang wanted person sa kasong Estafa sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) BAR sa Barangay Making Parang, Maguindanao del Norte noong ika-3 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arnold P Acosta, Officer-In-Charge ng RACU BAR, ang suspek na si alyas “Allan”, 24 anyos at residente ng Purok Kalimudan, Rosary Heights 3, Lungsod ng Cotabato.
Bandang 11:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit BAR ang suspek katuwang ang Parang Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa o Article 315 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Seksyon 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Patuloy na magsasagawa ng mga operasyon ang PNP para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas para mapanatiling mas maayos, tahimik at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui