Sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection of the PNP Disaster Response Equipment Capabilities ng Pambansang Pulisya sa pamumuno ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP ay ipinakita ng Police Regional Office 10 ang kahandaan at mga kagamitan sa inaasahang La Niña o Tag-ulan sa Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Mayo 28, 2024.

Sa pangunguna ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10 kasama ang mga opisyales ng iba’t ibang opisina ng buong hanay ng PNP – PRO 10 ay isinagawa ang Showdown Inspection of Search and Rescue Equipment.
Dito ay ipinakita ng buong hanay ng Police Regional Office 10 ang mga kagamitang nakahanda at mga kapulisan ng PRO 10 para sa inaasahang tag-ulan o La Niña Phenomenon sa mga susunod na buwan sa ating bansa.

Ito ay inisyatibo ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP at PNP Critical Incident Management Committee na may layunin na sa Bagong PIlipinas ang gusto ng pulis ligtas ka upang masigurado ang kaligtasan ng mga komunidad at mga kapulisan na maaaring maganap tuwing may sakuna.
Panulat ni Pat Fajardo