Timbog ang apat na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Leyte PNP at PDEA sa Barangay Poblacion, Kananga, Leyte nito lamang ika-21 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Major Romeo Q Sudario Jr. Chief of Police ng Kananga Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Arvin”, 49; alyas “Lemuel”, 53; alyas “Leonard”, 25; at alyas “Eddiemar”, 30; na pawang mga residente ng Barangay Poblacion, Kananga, Leyte.
Bandang 7:50 ng gabi ng ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Kananga Municipal Police Station – Station Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency 8 – Leyte Provincial Office, PDEA 8-Seaport Interdiction Units ng Southern Leyte at Ormoc City.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10.2 gramo na nagkakahalaga ng Php59,360 at isang genuine 500-peso bill na buy-bust money.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Camberleigh D Flores