Boluntaryong nagbalik-loob ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa kapulisan ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company sa Cataingan, Masbate nito lamang Marso 29, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norlando F Mesa, Force Commander ng 2nd Masbate Provincial Mobile Force Company ang mga nagbalik-loob na isang (1) regular na miyembro ng NPA sa ilalim ng Platoon 1, Larangan 2, Kilusang Larangan Gerilya (KLG) South BRPC at isang (1) miyembro ng Milisyang Bayan (MB) na isa ring kolektor sa ilalim ng Platoon 2, Larangan 2, Kilusang Larangan Gerilya (KLG) South BRPC.

Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay boluntaryo nilang isinuko ang isang (1) 38 cal. revolver na may apat (4) na bala at isang (1) homemade 12-gauge shotgun at tatlong (3) bala.
Samantala, isasailalim ang mga sumuko sa proseso ng pag-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno. Kabilang dito ang pagkakaroon ng cash incentives, educational assistance at paglahok sa mga livelihood programs na magagamit nila sa pagbabagong buhay.
Ang pagbabalik-loob ng mga nasabing rebelde ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan na ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na tahimik, mapayapa at maunlad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Masbate 2nd PMFC
Panulat ni Pat Rodel C Grecia