Nagsagawa ng pulong pulong ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay – Baungon Cluster hinggil sa EO 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga residente ng Purok 3 Langaon, Baungon, Bukidnon nitong ika-28 ng Marso 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCMS Dominic Christian T Dela Peña sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jovit L Culaway, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office.

Dito ay nagsagawa ang grupo ng pagpupulong tungkol sa Enhanced – Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at EO 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Violence Against Women and Children at Anti-Illegal Drugs.
Layunin nito na bigyan ng kaalaman ang mga residente sa nasabing barangay na ang pamahalaan ay handang tulungan ang mga gustong magbalik-loob sa gobyerno at iparamdam ang presensya ng pamahalaan at kapulisan na sila ay malalapitan sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari ang mga miyembro ng komunistang grupo sa naturang barangay.
Panulat ni Pat Fajardo