Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa Barangay Daanglungsod, Bato, Leyte nitong Marso 18, 2024.
Kinilala ni Police Captain John Rey R Layog, Acting Chief of Police ng Bato Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Rere”, 42 anyos at residente ng Barangay Daanglungsod, Bato, Leyte.
Bandang 8:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bato Station Drug Enforcement Unit, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency-Southern Leyte Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency-Leyte Provincial Police Office at Regional Intelligence Unit 8 Provincial Intelligence Team Southern Leyte, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 18 gramo na nagkakahalaga ng Php117,000 at Php500 bill na buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Sheba P Piloneo