Masayang idinaos ang pag-uumpisa ng Musikahan ng mga Kababaihan 2024 na ginanap sa Quirino Police Provincial Office noong ika-1 ng Marso 2024.

Sinimulan ng mga kababaihang Pulis at Non-Uniformed Personnel ng Quirino Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Augosto Bayubay, Provincial Director, ang pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration sa pamamagitan ng musikahan ng kababaihan kasama ang iba pang kababaihan sa lokal na pamahalaan, mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at RIC na kung saan bukod sa QPPO Band na nagpamalas ng kanilang angking galing sa kantahan, idagdag pa ang zumba kung saan lahat ng kababaihan na nasa lugar ay nakiindak sa pagsayaw sa nasabing programa.

Ang Buwan ng Kababaihan ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa buong buwan ng Marso upang bigyang-pansin ang mga naiambag ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay at upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Tuwing Marso, nakikiisa ang Quirino Police Provincial Office sa pagdiriwang ng National Women’s Month. Maraming aktibidad din ang nakalinya bilang pagpupugay sa kababaihan sa kanilang mahalagang papel bilang ilaw ng tahanan at sa pagpapaunlad ng ating lipunan.
Source: Quirino PPO
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus