Muli na namang nakapagtala ng mataas na Trust, Respect, Safety, and Satisfaction Rating ang Police Regional Office 12 sa katatapos lamang na Minda Survey na ginanap sa PRO 12 Multi-Purpose Hall, PRO 12, Tambler, General Santos City nito lamang Pebrero 23, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ginoong Adrian M. Tamayo, PhD, MPSA, Chief, Public Relations Division and Focal, Research and Development and Futures Thinking kasama si Police Colonel Rogelio Z Raymundo, Acting Deputy Regional Director for Administration (DRDA), PRO 12.

Ang survey ay isinagawa ng Mindanao Development Authority na nagpapakita na ang kapulisan ng PRO 12 ay nakakuha ng 89% (Very High) sa Safety Index, 83% (Very High) sa Security Index, habang 90% (Outstanding Rating) naman sa Respect, Trust, at Satisfaction Index.

Layunin ng naturang survey na matukoy ang pagiging epektibo ng lahat ng programa ng PRO 12 hinggil sa usaping pang-seguridad at kaunlaran ng SOCCSKSARGEN Region.

“We are immensely proud of the exceptional ratings bestowed upon us by the Mindanao Development Authority. These ratings reflect our continuous efforts to uphold the highest standards of professionalism and service excellence in fulfilling our duty to the people of SOCCSKSARGEN,” pahayag ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director, PRO 12.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin