Arestado ang isang National Most Wanted Person sa kasong Murder na nagtatago ng mahigit 13 taon sa batas na may tinatayang Php200,000 halaga na pabuya sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal bandang 6:20 ng hapon nito lamang Pebrero 21, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Roy”, 43, residente ng Amityville, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Group, Rizal Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Team Davao Oriental, Regional Intelligence Unit II, Manila District Intelligence Team, Regional Intelligence Unit NCR, Provincial Intelligence Unit Davao Oriental at Mati City Police Station Davao Oriental.
Bilang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na ipapatupad ang mga batas upang masigurong payapa, ligtas, at maayos ang ating komunidad tungo sa bagong Pilipinas.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng