Suspek arestado dahil sa ilegal na baril at mga bala sa Sultan Kudarat

0
747

Timbog ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilegal na baril at mga bala sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sampao Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Pebrero 7, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richelu B Alucilja, Hepe ng Isulan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Badal”, nasa wastong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PLtCol Alucilja, dakong 10:15 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng search warrant matapos marekober sa tahanan nito ang isang cal.45 na baril at mga bala ng Cal. 45 at M16.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“Simula nang maupo bilang Pangulo si President Ferdinand R. Marcos Jr. ay wala tayong humpay sa pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon upang hulihin ang mga taong sangkot sa mga kriminalidad gaya ng paggamit, pagbebenta, at nagbibigay proteksyon sa mga taong sangkot sa ilegal na droga”, pahayag ni PCol Bermudez.

Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales