Arestado ng Dagupan City PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Theft sa Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan nito lamang ika-06 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Brendon Palisoc, Officer-in-Charge ng Dagupan City Police Station, ang suspek na si Grace Benaojan Samson, 28, residente ng Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan.
Bandang 1:30 ng hapon ng maaresto ang suspek sa bisa ng Bench Warrant of Arrest na walang rekomendadong piyansa.
Ang Dagupan City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Source: Dagupan City, Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal