Ilocos Sur – Arestado ng Bantay PNP ang isang ginang na nakatala bilang Top 4 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 7610 sa Brgy. Cabusligan, Bantay, Ilocos Sur nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Pol A Areola, Hepe ng Bantay Municipal Police Station, ang suspek na si Merlina Vergara Pido, 48, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Cabusligan, Bantay, Ilocos Sur.
Ayon kay PMaj Areola, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Bantay Municipal Police Station sa kasong paglabag sa RA 7610 Section 10 (A) na may Php80,000 nirekomendang piyansa.
Ang operasyon ng Bantay PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Bantay MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero