Arestado ang isang lalaki dahil sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon sa Zone-1 Estakahan Agusan, Cagayan de Oro City nito lamang Enero 1, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Salvador Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang suspek na si alyas “Nilo”, 49, residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 12:15 ng madaling araw, isang concerned citizen ang nagreport sa Cagayan de Oro City Police Station kaya mabilis itong nirespondehan at agarang naaresto ang suspek at nakumpiska ang isang kalibre 38 na baril.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang tagumpay ng operasyon ng mga ahensya ng gobyerno ay bunga ng pinaigting at suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.