Rizal – Tinatayang Php255,300 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang construction worker sa ikinasang buy-bust operation ng Antipolo City PNP nito lamang Sabado, Disyembre 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Mack’’, 27, construction worker at residente ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.
Naaresto ang suspek bandang 9:03 ng gabi sa Gen. Luna Brgy. Dela Paz Antipolo City, Rizal ng mga operatiba ng Antipolo Component City Police Station.
Nakumpiska ang siyam na pakete ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 37 gramo na nagkakahalaga ng Php255,300, isang pirasong Php500 bill (buy-bust money), isang pirasong yunit ng Nokia cellular phone, isang pirasong pouch at isang pirasong weighing scale.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binigyang-diin ni PCol Maraggun na ang Rizal PNP ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga mga ilegal na droga at sinisiguro na ang mga mamamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, ilegal drugs at kriminalidad.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin