General Santos City – Arestado ang isang lalaki dahil sa reklamo ng isang concerned citizen dahil sa pagpapaputok ng suspek ng baril sa Sampaguita Street, Brgy. Dadiangas East, General Santos City nito lamang Oktubre 31, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., Officer-In-Charge, General Santos City Police Station, ang suspek na si alyas “Joel”, 55, walang asawa at residente ng Brgy. Dadiangas East, General Santos City.

Narekober mula sa suspek ang isang yunit ng Cal. 45 pistol na may kasamang magazine at dalawang bala.
Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act kaugnay sa COMELEC Gun Ban ang isinampang reklamo laban sa naarestong suspek.
Patuloy namang hinikayat ng General Santos City PNP ang mamamayan na patuloy na makipagtulungan sa mga otoridad upang mahuli at mapanagot ang mga taong lumalabag sa ating saligang batas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin