Bukidnon – Mainit na sinalubong ng mga miyembro ng Malitbog Municipal Police Station si Police Brigadier General Ricardo Layug Jr, Regional Director, Police Regional Office 10, para sa isinagawang Talk to Men na idinaos sa Malitbog, Bukidnon nito lamang ika-31 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Jonel Antique, Chief of Police, Malitbog Municipal Police Station, ang pagsalubong kay PBGen Layug.

Sa naturang pagbisita, nag-inspeksyon si PBGen Layug sa kahandaan ng kapulisan sa BSKE at darating na Undas 2023.
Pinaalala din ang importansya ng pagiging mabuting ehemplo sa pamayanan upang mas mapanatili ang seguridad at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Ang pagbisita ni PBGen Layug ay nagbibigay ng positibong moral sa kanyang mga nasasakupan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris