Leon Postigo, Zamboanga del Norte (January 15, 2022) – Matagumpay na narekober ng pinagsamang operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng Zamboanga Peninsula ang limang (5) high powered cached firearms ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Tiosan, Brgy. Nasibac, Leon B Postigo, Zamboanga del Norte nitong Sabado, Enero 15 ng taong kasalukuyan.
Narekober ang isang (1) M16A1 rifle, tatlong (3) M1 carbine rifles without butt stock, isang (1) garand rifle without butt stock at walang laman na M16 rifle magazine na di kalauna’y napag-alaman na pag-aari ng dating mga miyembro ng Main Regional Guerilla Unit at nabuwag na Guerilla Front Feliciano Alpha ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) ng New People’s Army (NPA). Nadiskubre ang mga nasabing armas bunga ng rebelasyon ng mga dating rebelde sa naturang lugar sa Leon B Postigo.
Kamakailan, nadakip noong ika-14 ng Enero ang dating Commanding Officer (CO) ng HQ Kalaw, WMRPC na si Romano Sumasay y Sinto aka “Mando” sa matagumpay na law enforcement operation ng pinagsamang AFP at PNP.
Haharap sa patung-patong na kasong tatlong (3) bilang ng Murder, Illegal Possession of Firearms at paglabag sa Section 9 (b) (5) ng Republic Act (RA) 11188 o ang “Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act” dahil sa recruitment, conscription o enlistment ng mga kabataan sa armadong grupo.
####
Panulat ni Patrolman Noel Lopez
Great Job PNP slamat