Malabon City — Kalaboso ang dalawang lalaki matapos masamsam sa kanila ang tinatayang higit Php347K halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang Martes, Hunyo 18, 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, Acting District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Barok” (Pusher/Newly Identified), 46, may live-in partner, at residente sa Block 7, Lot 21, Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City; at alyas “Allan” (User/Newly Identified), 40, may asawa, official basketball referee at residente sa Block 2, Lot 4, Salmon St., Brgy. 8, Lungsod ng Caloocan.
Ayon kay PBGen Gapas, bandang 11:55 ng gabi nang isagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Barok” at alyas “Allan” sa kahabaan ng Estanio St., Brgy. Tugatog, Malabon City.
Nakumpiska sa mga suspek ang labindalawang (12) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humihit kumulang sa 51.09 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php347,412; isang tunay na Php500 na may kasamang dalawang (2) piraso ng Php1,000 boodle money: at isang (1) kulay grey na pouch wallet.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakahuli sa mga suspek ay isa lamang patunay na hindi titigil ang pulisya sa pagpapatupad ng batas at pangangampanya kontra ilegal na droga.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos