Aurora – Boluntaryong sumuko ang tatlong miyembro ng Underground Movement Organization (UGMO) sa mga awtoridad at binawi ang suporta sa mga komunistang teroristang grupo sa Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Martes, ika-18 ng Hulyo 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Kaya naman lumagda ang tatlong indibidwal ng Oath of Allegiance to the Government bilang pagpapatunay sa pagiging tapat at taos-pusong pagbabalik-loob sa ating gobyerno.
Kasabay ng boluntaryong pagsuko, isinuko rin nila ang isang improvised firearm na “Deposporo” habang agad naman binigyan ng food packs at cash assistance ang tatlong sumuko.
Inihanda na rin ang mga kaukulang dokumento para sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), isang programa ng naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi sa komunistang teroristang grupo na magbalik-loob sa ating pamahalaan at mabiyayaan ng iba’t ibang programang pangkabuhayan at mabigyan ng financial assistance.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3