Pinapurihan ni RD, NCRPO, PMGen Vicente D. Danao, Jr., ang maigting na law enforcement operation ng La Loma Police Station (PS 1) Quezon City, Police District sa ilalim ni PLtCol Tyrone Valenzona, Station Commander, na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto sa isang suspek sa insidente ng pananaksak sa loob ng isang carwash sa P. Florentino Street corner Banawe Street, Brgy. Lourdes, Quezon City noong Setyembre 10, 2021.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Marlon Pontillar y Lee alyas Kiko, 25 taong gulang, walang asawa at trabaho, at residente ng Bolanos Compound, #96 Kaliraya St. Brgy. Tatalon, Quezon City.
Sa karagdagang imbestigasyon na ginawa ng SOCO Team ay nabunyag na ang biktimang si Rickydean Bermudez y Vicencio, 27 taong gulang, may asawa, freelancer, at nakatira sa #14 Maria Clara St., Brgy., Sto Domingo, Quezon City ay nagtamo ng maraming saksak na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Base sa ulat na isinumite ni QCPD District Director, PBGen Antonio C. Yarra ay nagpatunay na walang sinayang na oras ang operatiba ng PS-1 at nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Brgy. 163, Tondo, Manila. Matapos nito, ang suspek ay dinala sa hospital para sa physical examination at ibinalik sa CIDU, QCPD para sa maayos na imbestigasyon habang inihanda ang kaukulang kaso laban dito.
“Pinupuri ko ang maagap na aksyon ng ating mga imbestigador sa insidenteng ito. Ang accomplishment na ito ay patunay na ang ating kapulisan ay ginagawa ang kanilang makakaya para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan 24/7 sa kanilang mga nasasakop na responsibilidad,” sabi ni PMGen Danao.
“Pinaaabot ko ang aking pakikiramay at simpatiya sa nagluluksang pamilya ng biktima. Makakaasa kayo na maisasampa ang kaukulang kaso laban sa suspek at siya ay mananagot sa kanyang maling nagawa,” dagdag pa ni PMGen Danao. (NCRPO-PIO / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion)