Nakasakote ng kapulisan ng Northern Mindanao ang 146 indibidwal sa isigawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation o SACLEO nito lamang Ika-17 ng Disyembre 2021.
Sa pagpapatupad ng Search Warrants, 26 ang inihain dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 at 22 para sa Republic Act 10591 na nagresulta sa pagkakaaresto ng 39 na indibidwal at pagkakakumpiska ng 23 iba’t ibang uri ng baril, 77.24 na gramo ng hinihinalang shabu at 3.09 gramo ng marijuana na tinatayang may Standard Drug Price na Php500,000.
Nagkaroon din ng buy-bust operation na nauwi sa pagkakadakip ng 14 na indibidwal at pagkakumpiska ng 97.28 gramo ng shabu at 1.40 gramo ng marijuana na may tinatayang halaga na mahigit Php600,000.
Para sa implementasyon naman ng Warrant of Arrest, 31 ang nadakip na napapabilang sa Most Wanted Persons sa rehiyon. Liban sa mga nasa listahan ng Most Wanted ay nakahuli pa ang Police Regional Office 10 (PRO 10) ng 62 katao na pawang mga wanted sa batas.
Samantala, pinuri ni Regional Director, Police Brigadier General Benjamin Acorda, Jr ang mga pulis sa kanilang natatanging pagganap sa tungkulin.
“Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kasamahan sa kapulisan sapagkat kahit na medyo nahati ang aming pwersa sa pagpapatupad ng anti-criminality operations dahil sa bagyong “Odette, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy natin ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan dito sa ating rehiyon” ani PBGen Acorda.
Nanawagan rin si General Acorda na iparehistro ang mga personal na baril sa Camp Alagar o maaari rin itong ipatago sa mga lokal na himpilan ng kapulisan.
Patuloy na isasagawa ang SACLEO para sa paghahanda para sa nalalapit na Eleksyon 2022.
Makakaasa naman umano na hindi titigil ang kapulisan ng Northern Mindanao para protektahan at pagsilbihan ang buong rehiyon.
XXXX
Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite
Great Job salamat s serbisyong Totoo at Tapat