Isabela – Personal na bumisita sa Isabela Police Provincial Office si PRO2 Regional Director, Police Brigadier General Percival Rumbaoa kasama ang Command Group nito sa Camp Rosauro Toda Jr, Baligatan, City of Ilagan, Isabela noong ika-29 ng Marso 2023.
Naging tampok sa Command Visit ang Blessing at Inagurasyon ng Isabela PPO Command Center, Powerhouse at Blessing at Turn-Over ng mga Logistical Equipment.
Bilang pamamahagi ng mga logistical equipment, tinanggap ni Isabela Provincial Director Police Colonel Julio Go, ang 23 Basic Assault Rifle Galil, 12 Tactical Vest Level IIIA, 2 Light Machine Gun 5.56 Negev, 10 Kevlar at 2 Patrol Jeep at ipamamahagi naman ito sa bawat himpilan at mga mobile force company ng Isabela.
Dahil dito, ang datos ng mga deposited at surrendered loose firearms ay inilatag naman sa harap ng media personalities kasama dito ang 511 deposited firearms sa pamamagitan ng Oplan Katok ng CY 2019-2022 kung saan ang mga ito ay nasa custody ng Provincial Logistics Section at ang 91 deposited firearms mula noong December 19, 2022 hanggang March 25, 2023 kung saan ang mga ito naman ay nasa pag-iingat ng mga Police Stations.
Samantala, ang 42 CTG Surrendered firearm naman mula noong CY 2019-2022 at December 19, 2022 hanggang March 25, 2023 ay nasa pag-iingat naman ng Provincial Logistics Section.
Nagpahayag naman ng mensahe si RD Rumbaoa sa isinagawang traditional talk-to-men sa lahat ng personnel ng Isabela PPO na ayon dito, “Panatilihin nating sumulong at magpabago ngunit panatilihin din natin ang ating attitude at behavior at pagiging responsive sa ating mga tungkulin,” binigyang-diin din niya na ang mga ipinamahaging kagamitan ay dapat ingatan at magamit ng maayos.
Binati naman ni RD Rumbaoa ang nga deserving personnel ng Isabela PPO sa awarding ceremony kung saan ang Medalya ng Kagalingan ay naigawad kay PLtCol Sherwin F Cuntapay at Medalya ng Papuri naman kila PMaj Junneil A Perez, PMaj Michael S Esteban, PCpt Nilo D Cureg, Pems Gulliver N Abesamis at PCpl Joan B Umipig para sa kanilang walang tigil na pagsisikap sa pagsulong ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Isabela.
Pinangunahan din ni RD Rumbaoa ang Command Conference kung saan kasama dito ang mga Chief of Police at mga head of office ng PPO.
Source: Police Regional office 2
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos