Zamboanga del Norte – Timbog ang isang miyembro ng Abu Sayaff Group at tinaguriang Top 10 Provincial Most Wanted Person sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad nito lamang Pebrero 6, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Restituto Pangusban, Officer-In-Charge, Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit, ang naarestong suspek na si alyas “Mas-ud Alip Hassan” 29 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Panabutan, Sirawai, Zamboanga del Norte, miyembro ng MILF at Gun-for-Hire Lumarang Criminal Group at konektado din sa matataas na pinuno ng Abu-Sayaff Group sa ilalim ng sub-leader na si alyas Ben Tattoo na nag-ooperate sa probinsya ng Sulu.
Ayon kay PLtCol Pangusban, bandang 5:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Brgy. Panabutan, Sirawai, Zamboanga del Norte sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group, 55th Special Action Company, 5th Special Action Battalion, 85th Special Action Company ng PNP Special Action Force, PNP-Anti Kidnapping Group Mindanao Field Unit 9, 905th Regional Mobile Force Battalion 9, Provincial Mobile Force Company ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office, Regional Intelligence Division 9 at Sirawai Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9