Negros Occidental – Nasabat ang mahigit Php1.4 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Purok 5, Brgy. 2 Poblacion, Hinoba-an, Negros Occidental nito lamang ika-4 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Ramel Bustamante, Hepe ng Hinoba-an MPS, ang suspek na si Bryden Desierto Y Masias, 30 at residente ng Prk. 5 Brgy. 2, Hinoba-an, Negros Occidental.
Naaresto ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng Hinoba-an Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Negros Occidental Police Provincial Office, 4th SOU Maritime Group, 604th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 6 at 2nd Negros Occidental Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay PCpt Bustamante, nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang Marijuana dried leaves na may bigat na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php6,000, 96 na piraso ng plastic pots na may nakatanim na 390 ng halamang marijuana na may tinatayang halaga na Php1,400,000, pitong pirasong tangkay ng pinaghihinalaang halaman ng marijuana at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 16 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Negros Occidental PNP ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.