Leyte – Masayang nakiisa ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office sa selebrasyon ng ika-30th National Children’s Month sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa Brgy. Guindapunan, Palo, Leyte nitong Biyernes, Nobyembre 25, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Edwin Balles, Provincial Director kasama ang Women and Children Protection Desk sa pangunguna ni Police Major Jennifer Medalla, Chief, WCPD; Police Community Affairs and Development Unit; Provincial Human Rights Desk at sa pakikipagtulungan ng Palo Municipal Police Station at Palo MPS Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development.
Humigit kumulang nasa 50 na mga bata ang naging benepisyaryo at nakatanggap ng mga regalo, food packs, laruan, ice cream at tsinelas bilang paunang regalo ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Ang 30th National Children’s Month ay may temang, “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata ating Tutukan” na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga karapatan ng mga bata.