Lanao del Sur – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa Madalum Municipal Police Station sa Brgy. Odangun, Lanao del Sur noong Nobyembre 25, 2022.
Malugod na tinanggap ni PMaj Santos Monares, Acting Chief of Police, Madalum MPS, ang loose firearm na boluntaryong isinuko ni Hon. Jassma Tantao na kasalukuyang kapitana ng nasabing barangay.
Ang boluntaryong pagsuko ay resulta ng matiyagang pagkumbinsi ng Madalum MPS sa kanilang nasasakupan kaugnay sa kanilang kampanya kontra loose firearm at “Oplan Kontra Boga-Bravo”
Isang yunit ng revolver .38 Smith and Wesson ang isinuko ni kapitana na isinuko sa kanya ng isang concerned citizen. Samantala hindi na ibinunyag ni kapitana ang pagkakakilanlan nito.
Ang matagumpay na pagsuko ng baril ay nagpapatunay na ang PNP ay patuloy sa kanilang mandato para makamit ang kapayapaan tungo sa kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia