Calamba City, Laguna – Arestado ang isang K-9 trainor/handler sa kasong RA 10591 at Art. 177 ng Revised Penalty Code sa isinagawang Oplan Bakal Operation ng Calamba City PNP sa Amparo Videoke Bar, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna nito lamang
Setyembre 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alexy Sonido, Acting Chief of Police ng Calamba City Police Station, ang suspek na si Crisanto Lipa Manzano Jr, 37, walang asawa, K-9 trainor/handler, residente ng B9 L10 Macopa St., Ceris 3 Subd., Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Ayon kay PLtCol Sonido, bandang 12:30 ng madaling araw naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga tauhan ng Calamba City Police Station.
Narekober sa suspek ang isang Norinco NP44 Cal. 45 pistol na may Serial No. BG06758-14-246PH14, dalawang pirasong magazine na may 13 pirasong cartridges, at iba’t ibang Identification Cards.
Bukod dito, nagpakilala ang suspek na siya ay isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines at pinakita ang AFP I.D na may rangkong PFC Enlisted Personnel pero napag-alamang gawa-gawa lamang ang naturang ID.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act at paglabag sa Art. 177 ng Revised Penalty Code o Usurpation of Authority.
Sinisiguro ng Calamba City PNP na mapanagot ang mga taong lumalabag sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Source: Calamba City Police Statiaon
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin