Cagayan de Oro City – Timbog ang dalawang suspek sa isinagawang Entrapment Operation ng Cagayan de Oro City PNP sa Brgy, 29, Corrales St., AA Barbecue Restaurant, Cagayan de Oro City nito lamang Huwebes, Setyembre 8, 2022.
Kinilala ni Police Major Mario Mantala Jr., Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Office-Station 4, ang dalawang suspek na sina Leonara Artajo, 55, residente ng Kimaya, Jasaan, Misamis Oriental at Nelson Villanueva, 55, residente ng Zone 3 Pinitikan, Camaman-an, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PMaj Mantala, dumulog sa kanilang tanggapan ang biktima na taga B-8,L 30, Grand Europa Grand Miranda Crest, Lumbia, Cagayan de Oro City upang tulungan itong mahuli ang suspek matapos mapag-alaman na ang binebentang lupa sa may Barra, Opol, Misamis Oriental na may lawak na 2,735 square meter na may lot no. 6555 Real Property no. 0815000401359 at binebenta sa halagang Php1,500,000 ay hindi nakapangalan sa suspek na si Leonara Artajo, bagkus, pagmamay-ari ito ni Cenona Cabaraban Mañaba.
Narekober kay Artajo ang tatlong pirasong genuine Php500 bill, anim na pirasong bundle boodle money, isang pirasong brown envelope, kulay itim na Samsung keypad cellphone, isang pirasong clear plastic envelope na naglalaman ng assorted documents, at ID. Samantala, narekober naman kay Villanueva ang isang Jansport bag kulay itim na may red strap, limang assorted IDs, isang black USB, isang unit ng black Huawei cellphone at assorted documents. Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong Fraud.
Ang pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong manloloko ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran.
“We are living our mantra, ang Kaligtasan mo, Sagot ko! With the beefed up efforts in fighting criminality, we can better position ourselves in boosting the morale of the people in the community so they can freely proceed with their daily living feeling secured,” pahayag ni PCol Mandia, City Director.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10