Lapaz, Iloilo – Nanguna sa pagsasagawa ang Police Regional Office 6 ng Symposium tungkol sa Anti-Bullying at Cybercrime Law sa Lapaz National High School, Iloilo City nito lamang ika-7 ng Setyembre, 2022.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang Republic Act No. 10627 o “Anti-Bullying Act of 2013” at ang R.A. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012” na kung saan ito’y naglalayong dagdagan ang kaalaman at kamalayan ng mga estudyante upang maiwasan ang bullying na maaaring maranasan ng mga kabataan sa loob at labas ng paaralan, gayundin sa mga ilegal na aktibidad na pwedeng mangyari sa social media.
Dumalo sa nasabing aktibidad at nagbigay ng mensahe sina Police Colonel Martin Defensor Jr, Deputy Regional Director for Operation ng PRO6, at si Police Colonel Victorino Romanillos Jr, Chief, Regional Community Affairs and Development Division, kasama ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 6, Anti-Cybercrime Group, at si Atty. Joseph Celis, Regional Director ng NAPOLCOM, Lapaz Police Station 2 na aktibong dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng paaralan sa pangunguna ni Principal IV Teresita Torrico-Miltar.
Kabilang din sa isinagawa ang pamimigay ng mga hygiene kits tulad ng alcohol, facemask at mga sabon sa mga mag-aaral upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan laban sa COVID-19 na sinabayan pa ng kantahan na handog ng PRO6 Band.
Ang aktibidad ay kaugnay sa Crime Prevention Week Celebration na naglalayong masugpo ang kahit na anumang uri ng kriminalidad sa bansa upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan ng ating komunidad.